pdf COVID-19 at mga Katutubong Mamamayan: Mga Hamon, Epekto at mga Tugon
2966 downloads
COVID-19-at-mga-Katutubong-Mamamayan--Mga-Hamon,-Epekto-at-mga-Tugon.pdf
Sa buong mundo, isa ang mga katutubong mamamayan sa mga maaaring pinakamalubhang maapektuhan ng sakit na COVID-19 at ng mga hakbang na ipinatutupad upang masugpo ito. Tinukoy ni dating United Nations Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples na si Victoria Tauli-Corpuz, ng mga miyembrong organisasyon ng Elatia (Indigenous Peoples’ Global Partnership on Climate Change, Forests and Sustainable Development), ng UPAKAT (Ugnayang Pambansa Para sa Katutubong Kaalaman at Talino) at ng iba pang mga network organizations ng Tebtebba ang mga maraming salik na nakakaapekto sa kahandaan ng mga katutubo at tugon ng mga ito sa pandemya dulot ng COVID-19.