pdf Transisyonal na Proseso Para sa Katarungan?

19 downloads

Download (pdf, 17.63 MB)

transisyonal-na-proseso-para-sa-katarungan.pdf

Transisyonal na Proseso Para sa Katarungan?
Mga Karanasan ng mga Katutubong Mamamayan na Hindi Moro (Non-Moro Indigenous Peoples) sa Kanilang Pakikitungo sa Nakaraan at Kasalukuyang Pangkalipunang Adhikain at Pangangailangan sa Bangsamoro Autonomous Region ng Muslim Mindanao.

Ang transisyonal na proseso para sa katarungan (transitional justice process o TJP) ay isang pamamaraan para matugunan ang mga laganap at sistematikong paglabag ng karapatang pantao. Sa paliwanag ng Office of the High Commissioner on Human Rights (OHCHR), ang transitional justice ay “sumasaklaw sa mga proseso at mekanismo nakatipon sa pagtangka ng ating lipunan na pakitungohan ang kanyang pinamanang kaso ng mga pakikidigma, paghahadlang, paglalabag at pag-aabuso; masigurado ang pananagutan; maihain ng katarungan; at magkaroon ng rekonsilyasyon.”2 Sa Asia, ang negosasyon para sa kapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas (GPH) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay tinitingnan na isang modelo ng transitional justice process sa Timog Pilipinas. Matapos ng dekadang paghawak ng negosasyong pangkapayapaan, ang dalawang lupon ay nakalabas ng Bangsamoro Organic Law (BOL) at nakapagtatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may kasamang transisyonal na gobyerno na mas kilala bilang Bangsamoro Transition Authority (BTA).